^

Dr. Love

Gusto pang mag-aral

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang malaking pagkakamali nang makipagtanan ako sa aking boyfriend na si Elmo.

Nasa third year ako ng kursong medtech nang makumbinsi akong magtanan ni Elmo at dahil dito’y pinamili ako ng aking parents, si Elmo o ang pag-aaral ko?

Pinili ko si Elmo at kami’y nagsasama ngayon nang pitong buwan na. Preggy na rin ako. Walang trabaho si Elmo at tumigil din sa pag-aaral. Umaasa lang kami sa sustento ng kanyang magulang. Nakapag-isip ako. Ano’ng magiging kinabukasan namin?  Nagpasya akong bumalik sa pag-aaral.

Pero sabi ng tatay ko, dapat ko munang hiwalayan si Elmo at sila ang aaruga sa isisilang ko. Sabi nila, magbalikan kami ni Elmo kapag natapos na ako ng kurso. Pumayag ako pero ayaw ni Elmo.

Kapag humiwalay raw ako sa kanya ay wala nang balikan. Tulungan po ninyo akong mag-decide.

Marinela

Dear Marinela,

Maganda ang alok sa iyo ng mga magulang mo. Pag-aaralin ka hanggang matapos at sila ang aaruga sa sanggol na isisilang mo. Kinabukasan mo at ng inyong anak ang nakataya kaya pumayag ka na.

Masyadong makasarili ang ka-live in mo at hindi iniisip ang magiging future ninyo. Kung ayaw niyang magbalikan kayo, eh ‘di wow! Mas malaki ang mawawala sa iyo at sa anak mo kung hindi mo hihiwalayan ang kinakasama mo.

Ngayon, ang priority mo dapat ay ang anak mong isisilang at hindi si Elmo. Nakagawa ka ng mali at mas malaking kamalian kung hindi mo tatanggapin ang alok ng inyong mga magulang.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with