^

Dr. Love

Nawawalan ng time para sa gf

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang akong Areld. Isa akong Art Concept Artist. Masaya ako sa aking career. ‘Yun lang talaga ang kumakain ng maraming oras ko sa araw-araw. Nawawalan tuloy ako ng panahon sa gf ko.

Nagi-guilty tuloy ako dahil sa mga artwork ko mabilis akong makaisip ng mga creative expression sa mga ideas.

Pero sa relationship, nakukulangan ako sa expression ko ng aking pagmamahal sa kanya. Madalas “I love you “ na lang ang natsa-chat ko sa kanya. Minsan kahit video call hindi ko nasasagot sa rami ng deadline ko.

Nauunawaan naman niya ang trabaho ko bilang artist. Ang feeling ko kasi kulang na ‘ko talaga ng time sa kanya.

Ayaw ko namang maghiwalay kami dahil mahal ko siya. Kung magpapakasal naman kami, baka ganun din ang mangyari sa amin sa future.

Dahil wala akong time sa kanya, baka maghanap siya ng ibang makapagpapasaya sa kanya.

Areld

Dear Areld,

Time is really important sa isang relasyon. Kaya kailangan mo talagang mag-set ng araw o oras para sa gf mo.

Kung ikaw mismo, naiisip mong nagkukulang ka, paano pa kaya siya?

Hindi naman mahalaga na matagal kayong magsama sa isang araw. Ang importante ay tuloy-tuloy ang communication ninyo.

Mas maa-appreciate niya kung gagawa ka ng paraan para maging creative ka kapag nagkikita kayo.

‘Yung mga ideas mo sa pagiging artist ay malaking asset mo para maging sweet at challenging ang pagsasama ninyo.

Hindi naman kailangan gumastos ng malaki. Ang importante lang ay nasusupresa mo siya.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with