^

Dr. Love

Senyoritong mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko alam kung papaano ko mamo-motivate ang asawa kong si Jet na maging responsable at magsipag.

Tawagin mo na lang akong Iris, 21 anyos. Si Jet ay 19 pa lang at undergraduate sa college. Siya ay mula sa may kayang pamilya.

Itinanan niya ako at itinakwil siya ng mga magulang niya dahil hindi tinapos ang engineering course. Isang taon pa lang kaming kasal sa mayor at buntis na ako. Lagi siya sa mga katropa niya, sa gimikan at walang trabaho.

Sabi niya sa akin, buhay senyorito siya sa kanila at walang alam na trabaho. Kinausap ko na ang mga parents niya pero pakutyang sinabi ng nanay niya na kami ang gumawa ng problema at hindi sila tutulong.

Namamasukan ako bilang saleslady at kapag late akong umuuwi ay inaaway ako ni Jet.

Please help me.

Iris

Dear Iris,

Nagkamali kayo pareho. Mas mature ka sa kanya kaya ‘di ka dapat pumayag na magtanan. Pero wala nang magagawa at nariyan na iyan.

Marahil, may katuwiran ang parents ni Jet para bigyan siya ng leksyon. Iresponsable pa at kulang sa sukat ang pag-iisip niya.

Tiis na lang ng kaunti. Baka kapag naisilang mo na ang anak mo ay mabagbag ang damdamin ng mga magulang niya at patawarin kayo.

Dr. Love

 

vuukle comment

HUSBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with