^

Dr. Love

Papaano magpatawad

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Palabasa ako ng Biblia at batid ko ang bilin sa atin ng Diyos na magmahalan at magpatawaran sa ating mga kasalanan.

Mahirap po pala kung ang nagkasala ng mabigat sa iyo ay iyong best friend mula grade one sa elementary.

Napakasakit ng ginawa niya sa akin. Sinulot niya ang girlfriend ko. Sinisikap kong pareho silang mapatawad.

Ang masakit, pinaglaruan lang pala ng kaibigan ko ang girlfriend ko.  Nagkabalikan kami ng girlfriend ko pero tumindi ang pagkasuklam ko sa aking hudas na kaibigan.

Gusto kong magpatawad pero nangingibabaw ang aking galit. Ano ang gagawin ko?

Genaro

Dear Genaro,

Mahirap magpatawad kung ang iiral ay ang iyong emosyon. Pero kung magpapatawad ka dahil sa pagtalima sa Diyos, itatakwil mo ang sariling damdamin at tatalima sa utos niya.

Sa una ay maaaring mahirap at mabigat gawin ito. Pero kapag inihayag na ng iyong mga labi ang pagpapatawad, mararamdaman mong gagaan ang iyong dibdib.

Dr. Love

vuukle comment

DIYOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with