^

Dr. Love

Dating gay ang bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Gusto kong ikonsulta sa iyo ang aking boyfriend na ayon sa sarili niyang confession sa akin ay dati siyang bakla at nakipagrelasyon sa ilang lalaki.

Tatlong buwan pa lang kami nang ipagtapat niya ito sa akin at nagulat ako. Tinanong ko kasi siya kung bakit may mannerism siya na parang bading kung minsan.

Makisig at macho kung titingnan ang boyfriend ko pero sabi niya, dati siyang cross-dresser. Nagsimula lang siyang maging lalaki nang aniya’y tumanggap siya sa Panginoong Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Isa siyang born again Christian.

Mula noon ay nag-gym siya para maging macho ang dating at mabura nang tuluyan ang ano mang palatandaan ng kanyang pagiging dating gay. Kung minsan, lumalabas pa rin ang pagiging effeminate niya o kilos babae sa kanyang mga expression at galaw ng kamay. Pero mapapansin lang ito kung matagal na kayong magkasama.

Isinasama niya ako sa kanyang dinadaluhang Christian church at minsan na rin akong tumugon sa altar call ng pastor upang magsisi sa aking mga kasalanan at tanggapin si Jesus bilang Lord and Savior.

Mag-iisang taon na kami ngayon at wala akong masabi sa kanya, maliban sa paminsan-minsang paglutang ng kanyang kilos-babae. Nag-aalala ako na baka dumating ang araw at muling bumalik ang kanyang pagkabakla at lalaki pa ang maging karibal ko.

Dapat ko pa bang ituloy ang relasyon namin?

Charisse

Dear Charisse,

Ang pag-ibig ay may kasamang pagtitiwala. Para sa akin, kung tunay siyang nagsisi at tumanggap kay Jesu-Cristo bilang Lord and Savior, naniniwala ako na talagang binago na siya ng Diyos.

The fact na nag-effort siya na magpalaki ng katawan para maging macho-looking ay indikasyon ng determinasyon niyang maging tunay na lalaki. ‘Yung paminsan-minsang pagsulpot ng kanyang kilos-babae ay hindi maiiwasan dahil ganyan ang galaw at gawi niya sa mahabang panahon.

Ang mahalaga, hindi na niya ginagawa ang mga kasalanan na dati niyang ginagawa bilang isang gay.

Mabuti nga at nahikayat ka niyang dumalo sa kanyang church at ngayon ay na-born again ka na rin. Kung magkakatuluyan kayo, ibuhos mo sa kanya ang iyong pagmamahal para hindi na siya matuksong bumalik sa pagiging bading.

Dr. Love

vuukle comment

GAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with