^

Dr. Love

Iba ang love niya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Delfin, 20 anyos. May best friend akong girl for two years. Malapit na malapit kami sa isa’t isa. Dahil dito inakala ko na kami na. ‘Yun bang tinatawag na mutual understanding.

Bago magkaroon ng pandemya, madalas kaming  nanonood ng sine, concert at kumakain sa labas. She seems to be happy kapag magkasama kami at ganun din ako.

Sa matagal naming pagkakaibigan, alam kong wala pa siyang naging boyfriend kaya kampante ako na ako na ang dyowa niya. Kahit mga friends ko ay inakalang mag-on na kami at inaamin ko naman. Mali pala ako ng hinala at hiyang hiya ako sa aking sarili nang malaman ko na iba ang love niya.

Minsan nang kumain kami sa labas, nabigla ako sa sinabi niya sa akin. In love daw siya sa isang estudyante na nasa kabilang college. Hindi ako nakakibo. Pinigilan ko na ipakita ang aking emosyon sa kanya.

Nang magkaroon ng pandemic at nagdeklara ng total lockdown ang pamahalaan, hindi na kami nagkita. Tinatawagan niya ako at tinitext, ngunit hind ko sinasagot.

Ano ang dapat kong gawin ngayong gulong-gulo ang isip ko?

Delfin

Dear Delfin,

Hindi ako naniniwala sa mutual understanding o relasyong nabuo na walang ligawan. Kung mayroon mang ganyan, hindi nagtatagal ang pagsasama.

Talagang magkamali ka ng interpretasyon d’yan. Ang pag-ibig ay ipinagtatapat at tinatanggap sa pamamagitan salita.

Hindi lamang ito dapat ipahiwatig ng titigan o pagiging emotionally close ng dalawang tao. Ma-ging aral nawa sa iyo ang iyong karanasan para sa susunod ay hindi ka na magkamali.

Again, mag-move-on ka na at wika nga, charge it to bitter experience.

Dr. Love

DELFIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with