^

Dr. Love

Magpapari sana ang napangasawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin  na lamang ninyo akong Cristee. Alam ko na lagi na itong laman ng mga kwento. Pero totoong nangyari ito sa akin. Isang seminarista ang aking napangasawa. Nagpunta sila sa lugar namin para magmisyon.

Isa ako sa mga humanga sa kanila. Sa kanilang dedikasyon, pananampalataya sa Diyos at pagiging mabuting tao.

Isang taon na lang magpapari na sana siya. Iniwasan ko na siya noon dahil napansin ko ngang malapit siya sa akin. Alam kong hindi maganda ang magiging desisyon ko. May nararamdaman na rin kasi ako noon sa kanya. Ngunit sa kabila ng aking pag-iwas, siya naman ang laging nangungulit.

Huwag raw akong mag-alala dahil maglilingkod pa rin naman kami sa simbahan kahit hindi na siya magtuloy na magpari.

Lumipas ang mga taon, nagkaanak kami. Nalimutan ko na ngang baka magalit ang Diyos na inagaw ko ang isang taong para sa kanya.

Nangyari nga ang hindi ko inaasahan. Ang alam ko, walang sakit ang aking asawa pero inatake siya sa puso.

Patungo siya sa trabaho noon pagsakay niya ng bus, nalaglag siya. Hindi aksidente ang nangyari, ayon sa mga nakakita dahil hindi umaandar ang bus nang bigla siyang matumba. Hindi naman covid ang findings sa kanya.

Ngayon ko naiisip na baka nga ito na ang hinihintay kong pagbawi ng Diyos sa kanya.

Cristee

Dear Cristee,

Huwag mong sisihin ang iyong sarili o ang iyong asawa, maging ang Diyos. Kailan man hindi naging masama ang magmahal. Kung hindi natuloy sa pagpapari ng asawa mo, ito ay dahil na rin pinahintulutan ng Diyos.

Huwag mo ring isipin na nagagalit sa iyo ang Diyos. Hindi ganoon ang Diyos.Siya ay mahabagin at mapagmahal.

Ang kanyang buhay ay hanggang doon na lang.  Tuloy lang buhay. Stay safe and be happy.

DR. LOVE

vuukle comment

DIYOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with