Secret desire
Dear Dr. Love,
May I greet you a pleasant day. Ikubli mo na lang ako sa pangalang Nympha, 24 anyos at may boyfriend. Dalawang taon na kaming mag-on and we love each other very much.
Ang balak namin ay magpakasal na sa susunod na taon kung babalik na sa normal ang kalagayan ng mundo at mawala nang tuluyan ang pandemya.
Nakabukod na ako sa aking mga magulang at kapatid na nasa probinsya. Nagtatrabaho ako sa isang business establishment bilang head ng Human Resources department at nagpapadala na lang ako ng pera sa aking parents.
Magka-live in na kami ng aking boyfriend at umuupa kami ng isang apartment for Php 5k a month. Madalas kaming magtalik at ako laging humihingi nito dahil parang hindi ako mapakali kung hindi ako nakikipag-sex at least once or twice a day.
May isang bagong tenant sa kabilang pintuan ng apartment. Guwapo, matipuno at natipuhan ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. May secret desire ako na makipagtalik sa kanya. Pinipigilan ko ang aking sarili dahil may kalive-in na ako. Pero sa tuwing magsisiping kami ng aking boyfriend, pinapantasya ko na nakikipag-sex ako sa lalaking ‘yun. Kasalanan po ba ito?
Nympha
Dear Nympha,
Kahit ang pakikipag-live-in mo sa iyong boyfriend ng walang kasal ay kasalanan sa Diyos although sa batas ng tao, maituturin kayong common law spouses. Tapos, tuwing kayo ay magsisiping ay ibang lalaki pa ang ini-imagine mong katalik.
Huwag n’yo nang hintaying matapos ang pandemya, magpakasal na kayo kahit sa huwes para maging legal and binding ng inyong pagsasama, sa mata ng Diyos at batas ng tao.
May advantage ang kasal. Hindi ituturing ilegitimate ang inyong magiging anak at may lubusan kang karapatan sa mga benepisyo niya sa pagtatrabaho gaya ng pension at iba pa.
Tungkol sa iyong secret desire, sikapin mo itong burahin sa iyong isip dahil iyan ay isang uri ng mental infidelity. Nagtataksil ka sa iyong partner kahit sa iyong imahinasyon lamang.
Dr. Love
- Latest

















