^

Dr. Love

Balak ligawan ang friend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ngayong bagong taon wish ko sana magkalakas na ako ng loob na manligaw sa naging kaibigan kong biker.

Tuwing linggo nakaugalian ko nang mag-bike sa PICC. Wala akong kasama dahil introvert ako. Hindi ako nakikipagbarkada. May mga kaibigan ako pero hindi ako very close sa kanila.  Ayoko ng biruan at pikunan  kaya mas gusto ko ang mag-isa.

Sakto last December sa PICC may isang girl na na-flatan ng gulong ng kanyang bike. Swerte niya dahil may gamit ako at sanay na akong magkumpuni ng bike.

Actually may kasama siyang guy that time. Ang akala ko bf niya, ‘yun pala kuya niya. Medyo chubby si kuya at hindi rin marunong magkumpuni ng bike.

Nakuha nila ang atensyon ko nang harangin ako ng girl. Na-shock ako dahil sa ganda niya, tapos pinapara pa ako. Naging magkaibigan kami. Nito lang December halos linggo-linggo nagkikita kami.

Balak ko na sana siyang ligawan kaso kaibigan ko na rin ang kuya niya. Hindi ko masingit ang love life.

Birthday niya sa January 5, balak ko sanang simulan ang aking panliligaw kaso parang wala sa timing. At dinadaga ako. Parang hindi ko yata kaya. Mabait naman sila sa akin kaso nag-aalangan pa rin ako baka talagang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Eh, baka mag-lockdown na naman at baka maudlot na ang aking panliligaw.

Lemuel

Dear Lemuel,

Kumusta ba ang communication ninyo? Very close na ba kayo? Kung close na kayo bilang magkaibigan, wala kang dapat ipangamba. Kilala ka na niya at hindi na siya naiilang kung sasabihin mong manliligaw ka, kahit sa online o chat lang.

Lockdown man o hindi, may paraan pa rin mahulog ang loob niya sa iyo. Una, sa pagiging maginoo mo dahil sa pagtulong mo sa kanila nang ma-flat ang gulong ng bike niya.

Mabilis lang naman ang panahon, ang mas mahalaga ay magkaibigan na kayo. Mainam kung maging normal na dahil tuloy ang regular na pagkikita ninyo. Basta stay nice with them.

DR. LOVE

BIKER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with