^

Dr. Love

Mahirap pero scholar na bf, ayaw ng parents

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Reina Rosal, disinueve anyos, computer secretarial student ako. Hindi kami mayaman pero sinisikap ng parents ko na makapagtapos ako ng kurso sa college.

Malaking hamon para sa pamilya namin ang tumatagal nang quarantine. Nangungupahan lang kami sa isang maliit na apartment, ang ama ko ay karaniwang empleyado sa isang pabrika dahil walang silang operasyon ngayon, wala rin siyang sweldo. Mabuti na lang at masigasig ang nanay ko sa pananahi ng mga basahan. Gumagawa na rin siya ng face mask na ibinabagsak sa mga palengke. Kaya kahit paano may napagkukunan kami para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Naging boyfriend ko si Senando, 20-anyos. Nangungulekta siya ng mga kalakal sa basura. Nagustuhan ko siya dahil may pangarap siya sa buhay. Gaya ko, isa rin siyang college student pero sa kursong chemical engineering. Isa siyang half scholar dahil matalino siya pero kailangan niyang magtrabaho para sa iba niyang panga­ngailangan. Ulilang lubos na kasi siya at nakatira sa bahay ng kanyang best friend.

Ayaw ng magulang ko sa kanya dahil sa kahirapan niya. Pero alam ko na malayo ang kanyang marara­ting dahil nagsisikap siyang maabot ang kanyang pangarap. Isang semester na lang at graduate na siya.

Ano ang gagawin ko para makumbinsi ko ang aking parents na karapatdapat siya sa aking puso?

Reina

Dear Reina,

Pareho pa naman kayong nag-aaral kaya magtapos muna kayo. Kapag tapos na kayo ng kurso, puwede nang patunayan ng boyfriend mo sa iyong mga magulang na maaari ka niyang bigyan ng magandang kinabukasan.

Alam ko na kayang-kaya niyang gawin iyan dahil siya ay isang scholar. Ang mga matatalino ay pinag-aagawan ng mga kompanya.

Tumututol lang ang parents mo ngayon dahil wala pa silang makitang pruweba na aangat ang kabuha­yan ninyo kung kayo’y magkakatuluyan. Tiyakin mo sa iyong mga magulang na magpo-focus ka muna sa iyong pag-aaral na siyang higit na mahalaga. 

Ipaliwanag mo sa kanila na ang boyfriend mo ay may sariling pagsisikap at makapaghahatid sa iyo sa magandang bukas dahil sa angkin niyang talento. Isa pa, kasama sila sa mga itinuturing modern heroes dahil sa pagiging frontliner laban sa covid-19.

Extended sa ikatlong pagkakataon ang enhance community quarantine, kaya ang mabuti pa ay pagtuunan mo rin ang pagho-home study para hindi masayang ang mga araw na walang pasok. Goodluck sa studies n’yo at sa inyo ng bf mo. 

Dr. Love

BF

PARENTS

SCHOLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with