^

Dr. Love

Nagpapapansin sa binasted

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Binasted ko ang nanliligaw sa akin kasi sobrang patpatin pa siya noon. Wala siya sa standard na hinahanap ko sa isang lalaki.

Ang gusto ko ‘yung pwede akong ipagtanggol sa lahat ng oras. Lalo na sa sandaling gipit na talaga.

Ilang taon na kaming hindi nagkikita ni Mr. Patpatin, ang akala ko nga sa sobrang lungkot niya dahil binasted ko siya, kaya lalo siyang naging patpatin. Hindi na siya nagkakain at tuluyang nawalan na ng silbi sa buhay.

Nagulat ako nang muli siyang magpakita sa akin. Bigla na lang nagbago ang image niya. Gumwapo siya. Sakto namang wala akong bf ngayon.

Sa party ng pinsan ko in-introduce siya sa akin ng mga barkada niya. Hindi ko pa nga siya nakilala agad. Ibang iba na ang itsura niya. Fresh na fresh at machong-macho.

Nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap muli. Nagulat nga ang pinsan ko na matagal na ka­ming magkakilala. Ikinuwento niya sa akin na hindi niya ako sinukuan.

Simula raw nang bastedin ko siya, na-challenge siya sa buhay. Ilang araw din daw niyang dinamdam ang pagkabigo niya sa akin. Pero natuto siya sa kanyang kabiguan. Nag-focus siya sa kanyang self-improvement at confidence.

Sinimulan din niyang maging vlogger. Natutuwa ako sa kanya, ngayon ako naman ang umaasa na sana mapansin niya akong muli at ligawan.

Ms. Alginia

Dear Ms Alginia,

Mabuti ang ginawa mo. Minsan kapag nabibigo ang tao, lalong tumatapang at nagpupursige. Malaking tulong kay Mr. Macho ang pagkaka-basted mo sa kanya. Dahil mula sa dating patpatin ay naging astig siya.

Malamang especial ka pa rin kay Mr. Macho. ‘Yun nga lang, hindi ka sigurado kung manliligaw siyang muli sa iyo. Depende na sa iyo kung paano mo siya muling mabibighani. Baka naman mayroon na siyang gf.

Anyway, pwede namang buksan ang panibagong yugto ng inyong pagiging magkaibigan.Wala ka namang dapat ipag-alinlangan.Kung kinikibo ka niya ngayon, malamang mapapansin pa rin niya ang ganda mo. Just stay nice to him. Malay mo, ma-guest ka niya sa pagba-vlog niya.

Dr. Love

vuukle comment

BINASTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with