^

Dr. Love

Nasirang laptop ang dahilan ng break up

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Napakababaw daw ng dahilan kung bakit kami nag-break ng boyfriend ko. Paano ba naman nainis ako sa kanya dahil wala siyang pakialam sa nasira kong laptop

Alam naman niyang kailangan ko ang laptop sa research namin sa school. Malakas ang loob kong ipagpalit siya sa laptop kasi mas matagal ko nang kasama ang laptop ko.

First year college pa lang ako nang bilhan ako ng papa ko ng laptop. Kasama ko na sa lahat ng mga assigments at ngayon nga sa thesis namin.

Tinatawagan ko kasi siya dahil dapat niyang ipagawa ang laptop ko. Hindi siya sumasagot, ang alam ko wala naman siyang pasok o appointment. Lagi naman siyang ganyan.Late lagi mag-reply.

Naiiyak na ako sa dorm dahil sa galit ko at sa stress ko sa thesis. Malapit na kasi ang defense namin tapos hindi ko pa mabuksan ang laptop ko.

Gabi na nang mag-reply ang bf ko, nag-call back siya. Nagtalo kami over the phone.

Sa inis ko nasigawan ko siya at sinabi kong wala siyang silbe. Kaya sinabi kong break na kami. As in break kung break.

Tapos hatinggabi na nang ma-realize ko na sira na nga ang laptop ko, wala pa akong somebody na makausap ng matino. Parang guilty ako sa desisyon pero final na ‘yun.

Gladys

Dear Gladys,

Tama lang ang desisyon mo, kung alam mong hindi mo kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang mag-commit sa isang relationship. Stay cool lang. Hindi nadadaan sa init ng ulo ang solusyon sa bawat problema.

Sa isang banda, pwede ka rin naman mag-sorry sa bf mo dahil sa inasal mo sa kanya. Explain to him kung bakit ka nagkakaganun. Para alam niya kung ano ang pagkukulang niya at kung ano ang pwede ninyong pagkasunduan.

Kung talagang nahihirapan ka, tapusin mong lahat ang requirements mo sa school. Mas mainam na mag-focus ka muna sa mga dapat mong ipasa. Pagpalain ka ng Diyos.Kaya mo ‘yan.

Dr. Love

BREAK UP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with