^

Dr. Love

‘Di handang maging madrasta

THE EAR - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang boyfriend ko ay isang binatang ama. Ayaw pakasal sa kanya ng ina ng bata, dahil may boyfriend itong seaman. Sa mada­ling salita, ginawa lang past time si Daniel.

Binalak ng ina na ipaampon ang sanggol, pero hindi pumayag si Daniel na siyang umaruga rito. Naghiwalay sila ng girlfriend na nagkakaintindihan na hindi makikila ang babae bilang ina ng bata.

Mahal ko po si Daniel at nakakatiyak ako sa bagay na iyon. Simula’t sapol ay hindi naman niya itinago sa akin ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak. Akala ko noong una ay hindi namin magiging problema ang tungkol dito, pero nagkamali ako.

Marami kaming lakad ni Daniel na hindi natutuloy, kapag nagmamarakulyo ang anak niya. Sa palagay ko po ay hindi ko kayang maging madrasta ng bata, nakumpirma ko ito nang magkita kami.

Hindi ko kayang may kahati kay Daniel. Isa pa, paano kapag nagkaroon na kami ng sariling­ anak?

Isipin ko palang na mawawala sa akin si Daniel ay nasasaktan na ako, pero hindi ako handang maging ina ng kanyang anak. Pagpa­yuhan po ninyo ako, Dr. Love. Dapat ko pa bang ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa aking boyfriend?

Lubos na nagpapasalamat,

Mariel

Dear Mariel,

Wala naman ibang patutunguhan ang pakikipagrelasyon kundi ang pagbuo ng sariling pamilya. Kung hindi mo kayang gampanan ang pagiging katuwang ng boyfriend mo sa kanyang anak, problema nga ‘yan. Dahil hindi naman niya maitataboy ang bata para sa relasyon ninyo, kung baga package deal na ‘yan.

Para sa akin, subukan mo pang bigyan ng panahon na magkalapit kayo ng loob ng anak niya. Kung mao-overcome ng pagmamahal mo kay Daniel ang challenge na maging partner in life niya, hindi na pag-uusapan ang hiwa­layan. Mas mabuting, huwag mo munang pa­ngambahan ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari.

DR. LOVE

MADRASTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with