^

Dr. Love

Saksi sa pagtataksil

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan akong ipinakilala ng aking asawa sa misis ng kanyang kasama sa trabaho. May ilang ulit din kaming nagkasama ni Cheska sa event ng aming mga mister at kalaunan ay naging malapit na rin sa isa’t isa.

Madalas naming mapag-usapan ang tungkol sa buhay may-asawa, sa iba’t ibang sitwasyon sa bahay at sa pag-aalaga ng mga anak. Kaya nakaka-relate kami sa bawat isa.

Pero may issue na nakarating sa akin, Dr. Love. May nakakita na ang asawa ni Cheska ay may ibang babaeng pinagkakaabalahan. Pinagdudahan ko po ito noong umpisa dahil baka naman tsismis lang.

Hindi na po nagduda ang kalooban ko nang ako mismo ang makakita kay Arnold, akay-akay sa kanyang braso ang isang buntis na babaeng hindi nalalayo sa edad namin ni Cheska.

Kahit bago pa lang kaming magkakilala ni Cheska ay nasaktan ako para sa kanya at sa kanilang tatlong anak.

Ngayon po ay hindi ko malaman ang gagawin ko kung magtanong sa akin si Cheska. Maaa­ring sa kumpirmasyong masasabi ko ay masira ang kanilang pamilya na hindi ko po kayang dalhin. Pero mabigat din po sa kalooban ko na magsawalang-kibo. Paano kung ako ang nasa kalagayan ni Cheska, hindi ko po gusto na magkaila ang isang kaibigan sa akin. Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang pinakama­buting gawin?

Maraming salamat po.

Lyka

Dear Lyka,

Huwag mong i-pressure ang sarili mo sa nasaksihan mong pagtataksil ng asawa ng iyong kaibigan. For sure, hindi lang sa iyong mga mata mabubunyag ang lahat. Ang sabi mo nga ay may nakakita na, kaya siguradong kusang lalapit ang balita sa misis ng kaopisina ng asawa mo.

Ang pinakamabuti mong magagawa ay ipagdasal ang kaibigan mo na maging matatag siya. Sikapin mo rin na mabigyan siya ng kaunting oras para damayan siya at may mapaghihingahan siya ng sama ng loob. Tulungan mo rin siyang kumapit sa Dios, ang pinakamatibay na suporta sa pagbangon.

Dr. Love

vuukle comment

CHESKA

DEAR LYKA

DIOS

DR. LOVE

HUWAG

KAHIT

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with