^

Dr. Love

Duda sa anak

Pilipino Star Ngayon

Dear. Dr Love,

Bumabati ako ng isang magandang araw sa’yo at sa lahat ng tagasubaybay at staff ng Dr. Love.

Mangyaring itago mo na lang ako sa pa­ngalang Teena, 24 anyos at may asawa at dalawang anak.

Ang problema ko po ay tungkol sa aking asawa na naghihinalang nagtataksil ako sa kanya. Pero isinusumpa ko na naging tapat ako sa kanya simula pa nang ikasal kami, tatlong taon na ang nakalilipas.

Hindi mo naitatanong, may boyfriend ako noon at wala akong gusto sa asawa ko. Dinaan lang niya ako sa dahas at dahil nagbunga ang pangre-rape niya sa akin ay napilitan akong magpakasal sa kanya.

Ngayon, hindi siya naniniwala na ang aming bunso ay anak niya dahil maputi raw at singkit ang mata. Kamukha raw siya ng aking ex.

Lagi siyang umuuwi ng bahay nang madaling araw na at lasing. Ano ang gagawin ko?

Gumagalang,

Teena

Dear Teena,

Kung ako ang nasa kalagayan mo noong ni-rape ka niya, hindi ko siya pakakasalan. Marahil, iyan ang bunga ng kanyang masamang ginawa sa iyo. Ang magduda siya habang buhay na hindi sa kanya ang anak ninyo.

Kaso nga lang, pati ikaw ay namumroblema ngayon dahil sa kasusumbat niya sa iyo. Siguro ang pinakamabuting gawin ninyo ay ipa-DNA test ang inyong anak para patunayang kanya nga ito. Ito’y para sa ikapapanatag na rin ng kalooban ninyong dalawa.

Dr. Love

 

AKO

ANO

BUMABATI

DEAR TEENA

DINAAN

DR LOVE

DR. LOVE

TEENA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with