^

Dr. Love

Paano kukumbinsihin si Ate?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nadudurog po ang puso ko dahil sa naoobserbahan ko kung anong klaseng buhay ang kinasadlakan ng aking ate mula nang magbuntis siya sa anak nila ng isang spoil brat na lalaki.

Sa mga paghihirap na pinagdaanan ng ate ko nang dalhin hanggang sa maipanganak ang kanyang panganay ay pinayuhan ko na siyang umuwi na lang sa amin sa probinsiya. Alam ko naman na mapapatawad siya nina itay at inay basta matutunan niya lang ang magpakumbaba.

Pero naghabol siya sa kanyang boyfriend. Pinuntahan niya ang bahay ni Tommy at lakas-loob na nagpakilala sa mommy nito. Noong una pa lang ay hindi maganda ang trato ng biyanan niyang hilaw sa kanya. Halos ayaw pa ngang tanggapin, kundi lang sa awa dahil nawalan na ng trabaho ang ate ko at itinakwil na ng aming mga magulang.

Nangutang si ate ng kapital sa aming tiyahin para makapagtindahan siya. Pero ang asawa niya ang umuubos ng paninda hanggang sa mabangkarote na ito. Na-dengge ang panganay nila kaya lumapit uli si ate kay auntie kahit walang kasiguruhan kung maibabalik ang pera.

Gumaling ang pamangkin ko at eto na naman ang bagong pagsubok. Buntis uli ang ate ko at wala nang trabaho si Tommy dahil ang oras niya ay natuon sa sugal. Lagi rin walang pera ang biyanan niya dahil pinapasan nito ang mga pangangaila­ngan ng mga anak na nakunteto na lang umasa.

Awang-awa ako kay ate dahil ni-pambayad sa taxi at napkin niya ay iniutang at gaya ng dati sa pampublikong ospital manganganak. Ako pa ang pinasama ng bayaw ko gayung nasa bahay lang naman siya.

Buo na po ang loob ko na yayain ang ate ko. Pero hindi ko po alam kung paano ko siya makukumbinsi. Umaasa pa rin kasi si ate na magbabago ang asawa niya. Payuhan po ninyo ako.

Maraming salamat.

Gumagalang

Delia,

Dear Delia,

Hinahangaan ko ang pagmamalasakit mo sa iyong ate. Pero sa palagay ko ay may desisyon siya na manatili sa pag-asang magbabago ang asawa niya, kaya irespeto mo na lang ang pasya na ito ng ate mo. At sa maliit mong paraan ay sikapin na maalalayan siya kahit paano. Lagi mo rin isama siya sa mga dasal mo para matamo niya ang wastong gabay para sa kanyang mag-anak.

DR. LOVE   

vuukle comment

ATE

DEAR DELIA

DR. LOVE

LAGI

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with