^

Dr. Love

Naglaho, sumulpot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malugod akong nagpapaabot sayo at sa bawat tagasubaybay ng iyong pitak ng isang masayang pagbati.

Tawagin mo na lang akong Dolor ng La Union. Ako ay 27-anyos at dalaga pa. Marahil ito’y dahil sa aking propesyon at bokasyon na teacher. Wala na yata akong oras sa pag-ibig.

Ngunit noong ako’y 18-anyos pa lang ay nagkaroon ako ng boyfriend. Tawagin mo na lang siyang Matias. Matanda siya ng labinglimang taon sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang siyang naglahong parang bula.

Kamakailan ay may dumalaw sa akin sa school. Isang matandang kalbo pero matikas pa rin. Hindi ko agad nakilala. ‘Yun pala ay si Matias na ngayo’y 42-anyos na.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit sa ginawa niyang pag-iwan sa akin. Ang katuwiran niya ay napikot daw siya pero ngayo’y dalawang taon nang patay ang asawa niya. Nakikipagbalikan siya sa akin pero dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?

Gumagalang,

Dolor

Dear Dolor,

Sa palagay ko naman, sa gulang na 42 ay may maturity na si Matias. Lahat ng tao ay nakagagawa ng kasalanan lalo na sa panahon ng kabataan.

Tinatanong mo kung dapat mo siyang pagkatiwalaan. Ikaw lang ang makapagsasabi. May pagmamahal ka pa ba sa kanya? Kung mayroon, eh ‘di subukan mong makipagbalikan.

Sabi nga, mas mabuting umibig at mabigo kaysa hindi umibig.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR DOLOR

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKAW

ISANG

LA UNION

MATIAS

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with