^

Dr. Love

Naghahangad lumigaya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Liza, dating OFW. Ganito po ang problema ko. Luma­bas ang tunay na kulay ng asawa ko mag­mula nang lumuwag-luwag ang buhay namin dahil sa pagtatrabaho ko sa abroad.

Hindi na siya nagtrabaho at umasa na lang sa kinikita ko. Nang bumalik ako sa Pilipinas, akala ko’y may kaayusan na ang tahanan namin at mayroon nang sapat na impok para sa aming pamilya. Wala.

Kung ano ang iniwanan ko, ‘yun pa rin ang dinatnan ko. At masahol pa ang nangyari, naging lasenggo at umbagero ang aking asawa.

Hindi pa rin siya nagtatrabaho kaya napilitan akong humanap ng trabaho kahit sa Pilipinas.

Lalong nawala ang respeto ko sa kanya nang mabalitaan ko na may babae siya sa lugar namin.

Apat ang anak namin at kailangan ko ng responsableng katuwang sa buhay. Kasa­lanan ba kung hangarin ko na balang araw ay may darating sa aking lalaki na maru­nong magmahal at responsable?

Sobra-sobra na ang hirap na dinaranas ko, Dr. Love. Iniisip ko rin ang kapakanan ng aking mga anak. Please, pagpayuhan ninyo ako.

Liza

Dear Liza,

Kahit sino ang nasa kalagayan mo ay malamang na ganyan din ang madarama. Sino ba namang babae ang hindi mawa­walan ng pag-ibig sa ganyang uri ng lalaki?

Tinatanong mo kung puwedeng huma­nap ng iba na mapagmahal at mapagma­lasakit? Ewan ko lang pero paano mo ma­titiyak na makakakuha ka ng ibang mas mabuti kaysa sa malupit mong asawa? Pa­ano kung masahol pa pala siya?

Pero karapatan mong magdesisyon sa sarili mong problema. Ngunit balido ang kasal mo sa iyong asawa at  bago ka maki­pagrelasyon sa iba, kailangan munang mawalan ng bisa ang kasal mo.

Kumunsulta ka muna sa abogado sa bagay­ na iyan.

Dr. Love

APAT

DEAR LIZA

DR. LOVE

EWAN

GANITO

INIISIP

KAHIT

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with