^

Dr. Love

Problema sa anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ngunit ako’y isa sa mga kauna-una­hang lumiham sa Dr. Love, mahigit 20 taon na ang nakalilipas.

Dahil sa Dr. Love ay nakilala ko at napangasawa ang misis ko ngayon. Pero hayaan mong huwag ko na munang sa­bihin ang totoo kong pangalan dahil ayokong malantad ang suliranin ng aking kaisa-isang anak na babae na ngayo’y 20 anyos na.

Tawagin mo na lang akong Sam, 51 anyos na ngayon.

Ang anak ko ay nagdadalantao nga­yon at ang ama’y mayroong asawa. Kahit matindi ang galit ko sa ginawa niya ay nagtimpi akong huwag siyang saktan.

Ang misis ko ay na-depress sa pangyayaring ito at ilang linggo nang hindi ma­kausap ng matino. Mayroong pasaporte at visa sa Amerika ang anak ko dahil nandoon ang aking nakababatang kapatid na madalas naming puntahan.

Ibig kong papuntahin siya ngayon doon habang hindi pa halata ang ipinagbubuntis niya. Gusto ko kasi na ilayo siya sa lala­king ito at matiklop na ang masaklap na karanasang ito ng aking buhay.

Baka may maipapayo kang iba Dr. Love at inaasahan ko ito.

Sam

Dear Sam,

Tama ang ginawa mong pagtitimpi dahil hindi malulutas ang problema sa karahasang mula sa nagdilim na pag-iisip.

Hindi ko alam ang legalidad ng gagawin mong pagpapaalis sa iyong anak. Ano ba ang visa ng anak mo, immigrant ba o tourist?

Ang mga tourist kasi ay binibigyan lang ng pinakamatagal na 6 na buwang pagbisita sa Amerika.  Ilang buwan na ba ang tiyan ng anak mo?

Kung lalampas siya ng anim na buwan para doon manganak, baka maging kaso ng overstaying ito bagama’t paborable sa isisilang na bata dahil may option para maging citizen.

Sa aspetong iyan ng problema mo, kumunsulta ka sa isang immigration expert.

Dr. Love

 

AMERIKA

ANAK

ANO

DAHIL

DEAR SAM

DR. LOVE

IBIG

ILANG

KAHIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with