^

Dr. Love

Pinagnanasahan ng bayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please call me Lorena, galing sa probinsya at narito ngayon sa Metro Manila dahil mag-e-enroll ako sa college.

Ipinasya ng mga magulang ko na tumira ako sa bahay ng aking ate na may asawa. Ngayon ay mag-iisang buwan na akong nakapisan sa bahay nila.

Noong una’y nagpakita sa akin ng kaba­itan ang bayaw ko. Akala ko ay itinuturing lang niya akong kapatid.

Pero minsan, napapansin ko ang mga ma­lalagkit at makahulugang titig niya sa akin. Hindi ko pa rin pinansin at pinipilit kong papaniwalain ang sarili ko na wala siyang masamang intensyon sa akin.

Nakumpirma ko ang masamang intensyon niya nang wala sa bahay ang ate ko at kami lang dalawa ang nasa bahay. Tinanong niya ako kung virgin pa ako. Nagalit ako at sinabi kong isusumbong ko siya sa ate. Tumigil siya nang sabihin ko ‘yon at sinabing nagbibiro lang siya.

Naguguluhan ako ngayon dahil kung isusumbong ko siya ay baka masira ang kanilang pamilya o baka sa akin pa magalit si ate.

Ano ang dapat ko’ng gawin?

Lorena

Dear Lorena,

Kung puwede kang lumipat sa dormitory, iyan ang pinakamainam mong magagawa. Tama ka, wala pa namang seryosong ginawa sa iyo ang iyong bayaw kaya huwag mo nang isumbong sa ate mo maliban na lang kung gagawa pa siya nang higit pa roon.

Kung nakakaugnay mo ang iyong mga magulang, puwedeng sa kanila mo na lang sabihin ang dahilan.

Ikaw na lang ang humabi ng dahilan kung bakit ibig mong umalis.

Dr. Love

 

ANO

DEAR LORENA

DR. LOVE

IKAW

IPINASYA

KUNG

LANG

LORENA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with