^

Dr. Love

Tutol magbuntis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masama po ang loob ko ngayon dahil sa pagtutol ng aking asawa na magbuntis ako. Ito po ay sa dahilang namatay ang una niyang asawa, ang kaibigan kong si Concha nang panahong manganganak na ito.

Para sa marami, malaki ang pagkakahawig namin ni Concha. Dati na kaming magkapalagayan ng loob ni Hector kahit hindi pa niya girlfriend ang kaibigan ko. Aminado rin po ako na matagal ko na siyang gusto, nga lang si Concha ang mahal niya.

Hindi naaapektuhan ng kani-kaniya naming damdamin ang aming pagkakaibigan. Principal si Hector sa paaralang pinagtuturuan namin ni Concha. Nang sumakabilang buhay ang kaibi­gan ko, kasunod na gumuho ang buhay para kay Hector. Ayaw na niyang magtrabaho at parang ayaw na rin niyang mabuhay.

Sa lahat ng pinagdaanan niya, sinikap ko na manatili sa tabi niya. Salamat na lang at unti-unting nagbago ang pananaw niya hanggang sa maging normal uli ang lahat.

Minsang pauwi na kami, pinatigil niya ako at inayang dumaan sa park kung saan madalas silang mamasyal ni Concha. Dito niya ako inalok ng kasal, hindi po ako nag-atubiling sumagot ng oo dahil noon pa man ay mahal ko na si Hector.

Ang masaklap lang ay nakakulong pa rin siya sa anino ng kanyang namatay na asawa. Takot siyang magbuntis ako. Dr. Love, ang pagkakaroon ng anak ang kukumpleto sa buhay ko. Mag-30 anyos na po ako at gusto ko nang magkaanak.

Kahit tutol ang asawa ko, nakapagpasya na akong itigil ang pag-inom ng pills na binibili niya sa akin. Kaya lang magkahiwalay kami ng kuwarto ngayon para makaiwas sa argumento.

Ano po ang dapat kong gawin para matulu­ngan ang asawa ko na kalimutan nang ganap ang nakaraan. Dahil ako at si Concha ay magkaiba. Kaya kong magbuntis at manganak. Naniniwala rin ako na ang magiging anak namin ang pinaka-epektibong paraan para mabura ang kinatatakutan ni Hector. Pagpayuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Nilda

 

Dear Nilda,

Hikayatin mo ang asawa mo na samahan kang magpatingin para pareho ninyong makita ang kakayahan mong magbuntis at manganak. Bukod dito, lagi mo siyang ipagdasal. Magagawa ng Dios na baguhin ang puso niya, magtiwala ka lang.

DR. LOVE

AKO

AMINADO

ANO

ASAWA

AYAW

DEAR NILDA

DR. LOVE

KAYA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with