^

Dr. Love

Abot-langit ang pagsisisi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maraming bagay ang naiisip kong talikuran ngayon, dahil gusto kong maituwid ang naging kapabayaan na nagbunga sa halos sabay na pagbubuntis ng aking dalawang anak na dalaga.

Masyado po akong tutok sa negosyo kaya nasanay na ang aking mga anak na gawin ang anumang inaakala nilang tama. Pareho po silang nasa kolehiyo na at halinhinang hinahatid-sundo ng aming driver.

Ang masaklap lang nagsamantala sa aming sitwasyon ang pinagkatiwalaan kong driver, sabay niyang tinuhog ang dalawa kong anak. Salisi niyang imino-motel sina Chona at Lery. At nang magkabistuhan na ay nawala nang parang bula si Dan. Nag-hire pa ako ng detective para matunton siya. Naawa ako nang malaman na terminally ill ang magulang niya, pero hindi natinag nito ang pasya kong ipakulong siya dahil sa pagkawasak ng kinabukasan ng aking mga anak.

Wala pang 18-anyos ang mga anak ko, habang 28 na si Dan. Kaya himas rehas siya. Hindi naka­yanan ng aking anak na si Chona ang matinding kahihiyan na nangyari na nakaapekto sa kanyang pagbubuntis kaya nalaglag ang bata.

Nagpasya naman si Chona na manatili sa tangga­pan ng unwed mother’s hanggang makapanganak siya. Gusto niyang arugain ang bata para mapaalalahanan siya sa naging pagkakamali at hindi na muling ikatisod ang tungkol doon.

Abot-langit ang pagsisisi ko, Dr. Love dahil nagkawindang-windang an gaming pamilya dahil sa kapabayaan ko. Nagpasya akong mangibang-bansa kami para makapagsimulang muli, tama po ba ang gagawin ko?

Puwede ko bang itago habang buhay ang resulta ng aking pagiging makasarili?

Gumagalang,

Mrs. Salamat

Dear Mrs. Salamat,

Walang sikretong hindi nabubunyag, ‘yan ang reyalidad. Maaaring kahihiyan para sa mata ng marami ang sinapit ng inyong pamilya. Pero hindi ‘yun ang mahalaga, kundi ang idudulot nito para muli kayong magkabuklod na mag-iina. Ma-realize ninyo ang malaking bahagi ng bawat isa sa inyong pamilya at mabago ito para manumbalik ang kaligayahan ng inyong pamilya. Magandang ideya sa pagsisimula ang magkaroon ng bagong environment kaya go!

DR. LOVE      

 

ABOT

ANAK

CHONA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MRS. SALAMAT

NAGPASYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with