Buking sa pagka-two timer
Dear Dr. Love,
Enjoy po ako sa multi-tasking kahit sa office work at sa bahay. Kaya naman sinubukan ko kung uubra rin ito sa pag-ibig.
Hindi naman po ako playgirl, ang problema lang, hindi ako maka-decide kaya’t to be safe, pareho kong sinagot sina Marlon at Fernando.
Noong una, excited ako sa dalawang nagmamahal na boyfriend. Parehong maalalaÂhanin at kapwa may mukhang puwedeng ihaÂrap sa entablado. Pero nang kapwa naging demanding na sila, saka ako nasuya. Hindi ko alam kung sino ang sasamahang date dahil pareho kasi silang mahilig sa sosyalan.
Akala ko kapag magkaiba ang school na pinapasukan at magkakalayo ang tirahan, mahirap magkabukuhan basta maingat lang. Pero ang hindi ko alam, mayroon silang common friends na nakakakita na kasama ako sa iba’t ibang magkakahiwalay na pagkakataon. Nabuking ako nang solo akong dumalo sa isang okasyon na kapwa dinaluhan nila dahil ang nag-imbita ay kapwa nila kaibigan.
Pulang-pula ang mukha ko, Dr. Love nang malaman ng tatlo na magkakakilala na kami. Ilang saglit pa ay nagdahilan akong masakit ang ulo at umuwing mag-isa. Noong araw ding iyon ay nagpunta sa bahay sina Marlon at Fernando at humingi ng kumpirmasyon kung pareho ko silang boyfriend.
Naiyak po ako sa kahihiyan. Nang mga oras ding iyon ay na-realize ko kung sino talaga ang mahal ko sa kanilang dalawa. Pero huli na dahil pareho silang nagalit sa akin. Nadala po ako sa pakikipagrelasyon at hanggang ngayon ay loveless pa rin ako.
Payuhan mo po ako kung paano makaka-recover sa pagkapahiyang nangyari sa aking buhay. Salamat po at hihintayin ko ang inyong katugunan.
Gumagalang,
Nerissa
Dear Nerissa,
Just let go of the not so good memories but never left behind the lesson you have from it. Huwag mo hayaang tumigil ang mundo mo dahil sa partikular na karanasan na iyon. Sa halip, gawin mo itong matibay na basehan para mas maging matalino ka sa usaping pampuso. Minsan talaga kailangan magkamali para matutunan ang mahalagang leksiyon sa buhay.
DR. LOVE
- Latest