^

Dr. Love

My old flame

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Marissa, 23-anyos, may asawa’t isang anak. Nais ko pong humingi ng maha­laga ninyong payo.

Minsan sa aking pamamasyal mag-isa sa isang mall sa Maynila, hindi ko inaasahang makakasalubong ko ang dati kong boyfriend.

May namagitan na sa amin ng boyfriend kong ito pero naputol ang aming relasyon nang magtrabaho siya sa Dubai.

Doon ako nakapag-asawa ng iba. May da­lawang taon na kaming nagsasama ng mister ko.

Nang makasalubong ko ang ex ko sa mall, niyaya niya akong kumain sa isang fastfood. Pagkatapos ay niyaya akong manood ng sine. Sa sinehan ay hindi ako nakatanggi nang hagkan ako ng dating boyfriend ko. Wala namang ibang nangyari sa araw na iyon pero niyaya niya akong magkita kaming muli. Panay ang text niya sa akin ngayon na hindi ko sinasagot. Ano ang gagawin ko para iwasan siya?

Marissa

Dear Marissa,

Tama ang desisyon mong huwag nang sa­gutin ang kanyang mga text o tawag. May asawa­ ka at dapat ay maging tapat ka sa kanya­.

Magpalit ka na rin ng sim card para hindi ka na niya matawagang muli, ‘yun pa lang pagsama mo sa sinehan ay mali na dahil tiyak na madadarang ka sa tukso.

Huwag ka nang uulit ha?

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR MARISSA

DR. LOVE

DUBAI

HUWAG

MAGPALIT

MARISSA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with