^

Dr. Love

Matibay na pagsasama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Greetings to you. Tawagin mo na lang akong Greg. Siguro matatawa ka kung sabihin kong sa edad na 30-anyos ay estudyante pa ako na kumumukha ng accountancy.

May asawa na po ako at 2 anak, at ang misis ko ay  isang teller sa bangko. Masyadong na-delay ang pag-aaral ko dahil kinakailangan kong magtrabaho nang mag-asawa ako. Ang edad ko ay 20-anyos pa lang nang mag-asawa kaya medyo natigil sa pag-aaral. Pero ayaw ko namang maging undergrad dahil tapos ng college ang misis ko.

Ang problema ko ay may ibang babae akong napupusuan sa pinapasukan kong opisina at may gusto rin siya sa akin.

Pinipigilan ko ang sarili ko dahil sayang ang pagsasama naming mag-asawa na nagdaan sa hirap at ginhawa.

Ano po ang dapat kong gawin para mabura sa isip ko ang kabaliwang ito?

Greg

Dear Greg,

Kung masyadong matindi ang attraction mo sa kanya mabuti siguro ay humanap ka ng ibang trabaho para magkalayo kayo. Pero medyo mahirap iyan.

Kaya isipin mo na lang ang sampung taong matibay ninyong pagsasama ng iyong asawa sa piling ng inyong dalawang anak.

Hindi pag-ibig ang nadarama mo kundi  pita lamang ng laman kaya sikapin mong maiwaksi sa iyong isip.

Kung ngayon ka pa magluluko,  masasayang lang ang mga pinaghirapan ninyong mag-asawa at ang kawawa ay ang inyong mga anak.

Dr. Love

ANO

ASAWA

DEAR GREG

DR. LOVE

GREG

KAYA

MASYADONG

PERO

PINIPIGILAN

SIGURO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with