^

Dr. Love

Bagong buhay, dating ugali

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malapit na namang matapos ang taon at nais kong ibahagi ang aking kasaysayan. Itago­ mo na lang ako sa pangalang Ferdie, isang amateur boxer.

Hindi pa ako nakakagawa ng pangalan pero nais kong maging magaling na boksingero tulad ng pambansang kamao na si Saranggani Rep. Manny Pacquiao. Tatlong taon na ang nakararaan, noong 15 anyos ako ay isa akong mayabang at basagulero. Laging ang hanap ko ay makipagsuntukan sa kanino mang aking makursunadahan.

Nakilala ko ang aking present sweetheart na si Necy. May munti siyang tindahan sa aming­ lugar at lagi ako dun kasama ang barkada. Nang ligawan ko siya ay tahasang sinabihan ako na ayaw niya sa basagulero at magpakatino muna raw ako.

Pero ewan ko ba, naging bisyo ko na yata ang bumasag ng mukha. Para akong lalag­natin kapag hindi ko ito nagawa sa loob ng isang linggo. Ipinakilala ako ni Necy sa tiyo niya na boxing promoter at nang dalhin ako sa gym ay sinabi niya na may future ako sa boxing­. Diyan ako nagsimula sa pagboboksing at naging ins­pirasyon ko si Necy.

Puwede palang magbagong buhay sa dating­ ugali. Ngayon ay mas maingat na ako dahil  hindi puwede sa isang boksingero ang maki­pagbasag-ulo sa daan.

Sana maging inspirasyon ako ng ibang kagaya­ ko na mahilig sa away.

Ferdie

Dear Ferdie,

Oo nga ano. Kakaiba – bagong buhay sa dating ugali. Mapalad ka at nakakilala ka ng kasintahan na siyang nagsilbing inspirasyon mo sa pagbabagong buhay.

Hangad ko ang tagumpay mo sa pinasok mong larangan at sana, balang araw ay tanghalin ka ring pandaigdig na kampeon tulad ni Pacman­ upang maging dangal ka ng ating bansa.

Dr. Love

AKO

DEAR FERDIE

DR. LOVE

FERDIE

NECY

SARANGGANI REP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with