Inirereto ng pamilya ang suitor
Dear Dr. Love,
Dati may nababanggit na kasal si Serge pero nang magtagal na ang aming relasyon, parang umiiwas pa ang nobyo ko na mapag-usapan kung kailan kami lalagay sa tahimik.
Si Serge ay isang balo. Sumakabilang buhay ang kanyang unang asawa pagkaraan ng matagal nang pakikipaglaban sa sakit na cancer. Sila naman ay hindi nagkaroon ng anak pagkaraan ng sampung taon na pagsasama bilang mag-asawa.
Matagal rin ipinagluksa ni Serge ang pagyao ng asawa nitong si Lee. Magkaibigan ang pamilÂya ko at pamilya niya, at ang panliligaw niya ay masasabing mula sa pang-uurot ng kanyang mga magulang na matagal nang sinasabing gusto nila akong manugang.
Matagal na ring inihahanap ako ng pamilya ko ng perfect husband material dahil biyaheng express na rin akong maituturing sa edad na 30-anyos.
Akala ko noong una, dahil matatanda namin ang nag-uusap, pinag-uusapan na rin ang kasal. Pero si Serge ang nagsabing kailangan pa naÂming ganap na magkakilalang dalawa bago ihanda ang petsa ng pag-iisang dibdib.
Sa palagay ko po ay hindi pa niya nakakalimutang ganap ang kanyang asawa. Hindi po ako tatagal sa pagsasamang walang pagtitinginan kaya gusto ko pong urungan ang pinag-usapan namin.
Salamat po sa pagtunghay mo sa liham ko at sa kasagutan mo.
Gumagalang,
Sophia
Dear Sophia,
Talagang walang patutunguhan ang anumang relasyon kung hindi tunay na pag-ibig ang nagsisilbing pundasyon nito. Kaya kung talagang nakakatiyak ka sa iyong sarili na uurong sa napag-usapan ninyo ng lalaking inirereto sa iyo, sang-ayon ako sa pasya mo na huwag itong ituloy. Kaysa naman maging panghabang-buhay ang pag-aalinlangan mo.
DR. LOVE
- Latest