^

Dr. Love

May sakit na kalimot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bakit po kaya mayroong mga tao na mahilig manlamang sa kapwa gamit ang iba’t ibang istratehiya tulad ng sinasadya o hindi sinasadyang pagkalimot sa kanilang utang?

Ang hindi ko matanggap, isang malapit na kaibigan ko ang ilang ulit nang nangutang ng pera at kapag sinisingil ko pagkaraan ng matagal na panahon, nagmamaang-maangan na.

May isang pagkakataon na sinabi niyang ang alam niya, nakabayad na siya ng utang.

Wala  po naman akong  maraming perang puwedeng ipaluwal sa mga nangangaila­ngang tao. At kapag nagtatagal ang pautang, ako naman ang mamomroblema kung saan hahagilap ng pera kung said na ang laman ng aking wallet.

Mabait naman sana ang kaibigan kong ito pero pagdating sa pera, nakakalimot sa ka­gan­dahang asal. Ikaw  ang tiyak na luluha sa paniningil.

Nangako na ako sa sarili na hinding-hindi na muli makakahiram ng pera sa akin ang babaeng ito.

Hindi po ba dapat lang na panindigan ko ang prinsipyong ito? Pero bakit po parang guilty ako kung tinatanggihan ko na ang mga humihiram sa akin ng pera?

Paano ko po ba sasabihin sa kaibigan ko na tapos na ang pagpapautang at dapat na niyang paghandaan ang hinaharap.

Salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa liham kong ito.

Gumagalang,

Leona  

Dear Leona,

Sa palagay ko, pansamantala ay huwag mo muna siyang pahiramin. Dahil sa aral ng bibliya, na kapag ang hindi agad naturuan ng leksiyon ang nagkamali, gagayahin ito ng iba.

Kaya bigyan mo siya ng pagkakataon na makapag-isip tungkol sa pakinabang niya sa inutang na pera at ang obligasyon niyang ba­yaran ito sa pinagkakautangan.

DR. LOVE

vuukle comment

DAHIL

DEAR LEONA

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKAW

KAYA

LEONA

MABAIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with