^

Dr. Love

Papaano liligawan si Boss?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagpapaabot ako sa iyo at sa marami mong mambabasa ng isang pinagpalang araw.

Tawagin mo na lang akong Toti, 24- anyos at nagtatrabaho sa isang bangko. Karaniwang teller lang ako.

Kasalukuyang pinapagaling ko ang sugat ng aking kabiguan sa aking girlfriend na sumama sa ibang lalaki.

Mayroon kaming bagong bank ma­nager na tawagin mo na lang Maricris. Siya ay isang biyuda at 35 years old na. Napakaganda niya at gabi-gabi siya ang laman ng aking isip. Nalaman ko na wala pang isang taon nang mamatay ang kanyang asawa.

Mabait naman siya kaso napakalayo ng agwat namin hindi lang sa edad kundi sa posisyon. Masama ba kung ligawan ko siya? Kung hindi, paanong diskarte ang gagawin ko?

Pagpayuhan mo sana ako Dr. Love.

Toti

Dear Toti,

Walang masama sa panliligaw basta’t ang nililigawan ay walang asawa. Ano man ang estado sa buhay ng manliligaw, mayaman man o mahirap ay may karapatang magtapat ng pag-ibig sa babaeng napupusuan.

Kaso nasa period pa ng pagluluksa ang babaeng kursunada mo kaya dapat siguro’y palampasin mo muna ito hanggang sa tamang panahon.

Makipagkaibigan ka muna sa kanya at kung papaano mo gagawin iyan, sariling diskarte mo na. Kailangan siguro ay magpa-impress kang mabuti sa iyong trabaho para mapansin niya.

Good luck!

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR TOTI

DR. LOVE

KAILANGAN

KARANIWANG

KASALUKUYANG

KASO

TOTI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with