Teenage pregnancy

Dear Dr. Love,

First of all, I hope you are in fine condition on receiving my letter. Pasensya ka na sa iksi ng sulat ko. Hindi ako makapag-isip sa laki ng problema ko. I have a very great problem. Just call me Liza, 15 years old.

Buntis ako Dr. Love. May boyfriend ako na 15 years old din at pareho ka­ming estud­yante. Pareho kaming natatakot magsalita sa aming­ mga magulang dahil tiyak na magagalit sila.

Ngayon ay hindi pa halata pero paano after a few more weeks?

Pagpayuhan mo naman ako.

Liza

Dear Liza,

Walang ibang solusyon Liza kundi ang magtapat sa iyong mga magulang. Wa­lang ibang makatutulong sa iyo kundi sila lang. Magagalit kaya sila? Oo naman. Kahit ako ang tatay mo, magagalit ako dahil napakabata mo pa at nag-aaral pa para magkaganyan. Pero hindi ka naman nila papatayin. Tungkulin ng magulang ang tumulong sa anak na may problema.

Nakakabahala man, sa buong mundo num­ber one ang Pilipinas sa bilang ng teen­age­­ pregnancy. Iyan ay bunga ng kapusukan ng mga kabataan ngayon. Palib­hasa, sari-saring kabulastugan ang napapanood sa telebisyon na kanilang ginagaya.

Sana magsilbing leksyon sa iyo ang nangyari.

Dr. Love

Show comments