Teenage pregnancy
Dear Dr. Love,
First of all, I hope you are in fine condition on receiving my letter. Pasensya ka na sa iksi ng sulat ko. Hindi ako makapag-isip sa laki ng problema ko. I have a very great problem. Just call me Liza, 15 years old.
Buntis ako Dr. Love. May boyfriend ako na 15 years old din at pareho kaÂming estudÂyante. Pareho kaming natatakot magsalita sa aming mga magulang dahil tiyak na magagalit sila.
Ngayon ay hindi pa halata pero paano after a few more weeks?
Pagpayuhan mo naman ako.
Liza
Dear Liza,
Walang ibang solusyon Liza kundi ang magtapat sa iyong mga magulang. WaÂlang ibang makatutulong sa iyo kundi sila lang. Magagalit kaya sila? Oo naman. Kahit ako ang tatay mo, magagalit ako dahil napakabata mo pa at nag-aaral pa para magkaganyan. Pero hindi ka naman nila papatayin. Tungkulin ng magulang ang tumulong sa anak na may problema.
Nakakabahala man, sa buong mundo numÂber one ang Pilipinas sa bilang ng teenÂageÂÂ pregnancy. Iyan ay bunga ng kapusukan ng mga kabataan ngayon. PalibÂhasa, sari-saring kabulastugan ang napapanood sa telebisyon na kanilang ginagaya.
Sana magsilbing leksyon sa iyo ang nangyari.
Dr. Love
- Latest
- Trending