Magkaiba ng lahi
Dear Dr. Love,
Tutol po ang parents ko sa kasalukuyan kong relasyon sa isang Armenian na pansamantalang narito sa bansa para mag-aral.
Ganap nang nahulog ang loob ko sa boyfriend ko bagaman wala kaming commitment sa isa’t isa. Lately, lumipat na siya sa apartment na tinitirhan ko.
Bagaman iba ang kanyang lahi na siyang dahilan ng pagtutol ng aking mga magulang sa kanya, hindi naman dumarating sa puntong pinag-awayan namin ang magkaiba naming kultura at relihiyon.
Noong nakaraang semester, biglaang pinauwi ang boyfriend ko sa kanilang bansa dahil ipinatawag siya ng mga magulang. Apparently, nakarating sa kanyang parents na may karelasyon siyang Pinay at nagsasama na sa isang bubong.
Nang tanungin ko kung ano ang problema sa pagpapatawag sa kanya ng mga magulang, sinabi niya na tulad ng sa aking parents. Tutol din ang mga ito sa aming relasyon. Pinaghahanap na raw siya ng ibang babaeng kalahi.
Sinabi ko sa aking boyfriend na okey lang sa akin kung magkakalas kami ng relasyon tutal, wala naman kaming commitment sa isa’t isa. Pero ako raw ay mahal niya, handa siyang pakasalan ako at manirahan dito sa Pilipinas.
Nag-iisip po ako Dr. Love kung itutuloy ko pa ang relasyon ko kay Ahmad. Naapektuhan na ako sa mga sinasabi ng aking magulang lalo na’t mas matanda ako ng limang taon sa boyfriend ko.
Payuhan mo po ako.
Gumagalang,
Natalia
Dear Natalia,
Age doesn’t matter, ang pagtuunan mo ng pansin ay kung talagang liligaya ka sa piling ng iyong boyfriend. Para kasi sa akin, kung tunay ang pagmamahal ng isang lalaki, hindi niya hahayaan na maging lugi sa relasyon ang partner niya. Ang sabi mo mag-boyfriend kayo pero walang commitment. Magulo.
Mas makakabuti kung kikilalanin mo pa ng husto ang boyfriend mo para malaman mo kung siya na nga ba talaga ang gusto mong makasama sa buhay.
DR. LOVE
- Latest