Sinulot ang GF ng utol
Dear Dr. Love,
Wala akong mataas na ambisyon sa buhay kung ihahambing sa nakababata kong kapatid na si Marlon. Pero mayroon naman akong saÂriling pinagkakakitaan na kayang magsustento sa isang pamilya kung nanaisin ko nang mag-asawa.
Si Marlon ay nasa huling yugto na ng mediÂsina. Napasok na siya sa isang malaking pagaÂmutan sa kanyang residency kung kaya’t hindi niya masyadong napag-uukulan ng atensiyon ang kanyang girlfriend na si Faith.
Wala pa akong steady girlfriend dahil isang tulad ni Faith ang hinahanap ko. Maganda, smart at masayang kasama. Palaging kami ang nagkakasama sa family gatherings. Hanggang paÂreho kaming nakalimot at nagkaroon ng relasÂyon. Totoo ang damdamin ko para kay Faith pero hindi siya ganoon sa akin. Dahil isang doctor ang gusto niyang mapangasawa. Masakit mang isipin ay napaglaruan niya ako.
Dahil pareho naming ayaw masaktan si Marlon kaya nagkasundo kami na manatiling magkaibigan. Parang walang nangyari. Tunay po na gusto ko nang makalimot sa maiksing kabanata namin ni Faith, pero hindi po siya mawala sa isip ko.
Bakit po kaya ganoon, Dr. Love? Ito po ba ay masasabing guilty feelings sa kapatid ko o nananatili ang paghahangad ko na mapunta sa akin ang ngayo’y asawa na ng kapatid ko?
Payuhan mo po ako.
Nagpapasalamat,
Gerald
Dear Gerald,
Reading between the lines, malinaw na may “something†ka pa rin para sa ngayon ay asawa na ng kapatid mo, hipag mo bale. Dahil nanaÂnatili sa isip mo ang naging pagkakamali ninyong dalawa noong magkasintahan pa lang sila ng kapatid mo.
Kung ako sa iyo, burahin mo nang ganap ang lahat. Hindi lang naman si Faith ang babae sa mundo para hangarin mo pa na makuha siya sa kamay ng kapatid mo. Don’t be such an unfair sa kapatid mo.
You have a lot of time to mingle dahil single ka pa. Kaya give yourself a chance na makaÂkilala ng mga babae sa paligid mo. I’m sure may makikita ka na higit pa sa mga katangian ng hipag mo.
Dr. Love
- Latest