^

Dr. Love

Gusot sa paggastos

The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Bagaman may nagsasabing ang usaping pera ay hindi dapat nakakaapekto sa relasyon ng mag-asawa, para sa akin ay kabaligtaran po ito. At kung hindi reresulbahin ay pag-uugatan ng away o posibleng paghihiwalay.

Noong magnobyo pa lang kami ng aking mister, napatunayan ko na magaling siyang mag-budget ng pera. Pero kapag ako ang namili ng kaka­inan tuwing magde-date kami, ako ang sasagot sa gastos. Okey lang po ito, dahil alam kong nagtitipid siya para sa aming kasal.

Ang kakatwa lang po, kung susumahin ang mga ginastos namin ay mas malaking halaga pa rin ang sinagot ko. Dahil bongga ang gusto kong handaan at seremonya. Okey lang din dahil love ko talaga siya at mas lamang naman ang kita ko kumpara sa kanya.

Pero kalaunan sa aming buhay-mag-asawa ay ikinaiirita ko na po ang paraan ng paghahawak ng aking asawa ng pera. Naghatian na kami sa gastos pero ang hindi patas ay ang kaluwagan niya sa pagbibigay o pagpapautang na wala nang bayaran sa kanyang mga kamag-anak.

Hindi ko po maintindihan kung bakit sa ganito nauwi ang aming pagsasama gayong dati, maliwanag naman ang kuwenta ng aming gastos. Natuto tuloy akong maglihim na kung gaano na ang kinikita ko sa opisina at mga sideline na trabaho. Ito po ba ay normal lamang sa pagsasama ng mag-asawa?

Maraming salamat po at hingi ko ang mahalaga ninyong payo.

Cristy

Dear Cristy,

Ang paminsan-minsan na hindi pagkakauna­waan ng mag-asawa ay masasabi pang normal. Pero kung ito ay napapadalas na, lalo pa ang ugat ay ang paglilihim, pagkakanya-kanya ng prayoridad kaugnay sa pera na tumatagal at nagiging sanhi ng iritasyon sa pagitan ng mag-asawa,  hindi na ito maganda.

Bagaman sa ating kultura, karaniwan na ang padre de pamilya ang provider sa mga panga­ngailangan; sa makabagong panahon nagtutulungan na ang mag-asawa. Pero hindi ibig sabihin nito na magkakanya-kanya kung saan dadalhin ang kita para sa pamilya.

Sikapin mo na makausap sa mahinahon at akmang pagkakataon ang iyong asawa tungkol sa bagay na pinagmumulan ng inyong away at subukan na himukin siya sa akmang solusyon para matigil ang bangayan ninyo.

Dr. Love 

    

ASAWA

BAGAMAN

DAHIL

DEAR CRISTY

DR. LOVE

MAG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with