^

Dr. Love

Bata ang nobya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Kumusta po kayo, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Mauro, 57-anyos at isang biyudo.

Mayroon akong girlfriend ngayon na 20- anyos lang ang edad. Puwede ko nang maging anak at sa katunayan, ang kaisa-isa kong anak na lalaki sa yumao kong asawa ay 39-anyos na.

Sabi ng anak ko, ‘di niya mapapayagang pakasalan ko ang nobya ko dahil tatawagin niyang mommy ang isang stepmother na  kalahati na ng edad niya.

Akala ko nagbibiro ang anak ko pero nang magkasarilinan kami, ang sabi niya’y hindi siya tutol na mag-asawa ako pero hindi naman sa sobrang bata gaya ng nobya ko.

Ano ang gagawin ko para makumbinsi ang anak ko na pakasalan ko ang minamahal kong babae?

Mauro

Dear Mauro,

Ikaw ang tatay, ikaw ang masusunod. Maaaring may punto ang anak mo dahil malayo ang agwat ng edad ninyo pero ikaw lang ang puwedeng magdesisyon para sa sarili mo.

May mga disadvantage ang pagkuha ng asawang sobra ang kabataan pero palagay ko naman ay may sapat ka nang isip para malaman ito.

Dr. Love

vuukle comment

ANAK

ANO

DEAR MAURO

DR. LOVE

IKAW

KUMUSTA

MAAARING

MAURO

MAYROON

PUWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with