^

Dr. Love

Laging basted

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay binabati kita Dr. Love. Lagi akong nagbabasa ng maganda mong column.

Tawagin mo na lamang akong Charlie, 17 anyos. Marami na akong babaeng nagus­tuhan at niligawan pero lagi akong bigo. Kaya sa edad kong ito ay wala pa talaga akong karanasan sa pag-ibig.

Nagtataka lang ako. Hindi n’yo naitatanong mestisong Amerikano ang tatay ko at ako’y guwapo naman.

Inggit ako sa aking friend dahil hindi naman guwapo, habulin ng babae.

Paano kaya ako magiging lapitin ng babae? Tulungan mo po sana ako Dr. Love.

Charlie

Dear Charlie,

Baka may dapat baguhin sa ugali mo.  Hindi pa kita nakikita at hindi ko alam kung ano iyon.

Marahil ‘yung kaibigan mo kahit walang itsura ay may magandang ugali na hanap ng mga babae.

Hindi ka kaya mayabang? O baka naman hindi ka palaayos ng katawan o hindi neat? Mga bagay iyan na dapat mong alamin.

Magtanong ka sa ibang close friends mo kung ano ang kapintasan mo na inaayawan ng kababaihan. Kung may dapat kang baguhin, baguhin mo.

Dr. Love

vuukle comment

AMERIKANO

DEAR CHARLIE

DR. LOVE

INGGIT

KAYA

LAGI

MAGTANONG

MARAHIL

MARAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with