^

Dr. Love

Mapaglaro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay ang aking pangungumusta sa iyo na paborito kong kolumnista sa larangan ng pag-ibig.

Tawagin mo na lang akong Cesar, 31-anyos at binata pa. Sa edad kong ito’y single pa rin ako dahil mapaglaro ako sa pag-ibig. Akala ko lahat ng babae ay pare-parehong parausan lang.

Akala ko hangga’t maraming nabibiktimang babae ang isang lalaki ay tulad ito ng medalya ng karangalan.

Wala pa akong niligawan na hindi ko nakukuha. Hanggang sa makilala ko si Remy. Noong una’y maganda ang pakikitungo niya sa akin. Ito ay nang ‘di pa ako nagtatapat.

Pero nang nagtapat ako sa kanya. Umasim ang mukha niya at tahasang sinabi sa akin na huwag siyang iparis sa mga babaeng nabiktima ko.

Nagtiyaga akong manligaw pero sabi niya, wala akong maaasahan dahil may boyfriend na siya. Na-challenge ako Dr. Love. Damdam ko’y siya na ang babaeng dapat kong seryosohin.

Ano ang gagawin ko?

Cesar

Dear Cesar,

Ang masasabi ko’y magtiyaga ka. Naka­tagpo ka ng babaeng katapat mo. Tingin ko’y ibinigay siya ng Diyos sa iyo para buwagin ang napaka­taas mong pride.

Patunayan mo sa kanya na nagbago ka na at siya lang ang babaeng tunay mong minahal.

Hindi ko alam kung maniniwala siya sa iyo dahil sa sira ang iyong kredibilidad dahil kilala kang playboy.

Basta’t pagtiyagaan mo lang at kung mabigo ka, harapin mo ang pagkatalo.

Dr. Love

ANO

DAMDAM

DEAR CESAR

DIYOS

DR. LOVE

HANGGANG

NAGTIYAGA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with