^

Dr. Love

Pusong lalaki

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hatid ko po’y isang pinagpalang araw sa iyo Dr. Love. Nawa’y makarating sa iyo ang sulat ko na nasa mabuti kang kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Leslie, 29 an­yos at isa pang dalaga. Inuudyukan na ako ng mga kaibigan ko na mag-asawa na dahil halos silang lahat na kabarkada ko ay may kani-kaniyang pamilya na.

Hindi n’yo naitatanong, maganda ako at ma­raming manliligaw. Kaso hindi ko makuhang umibig sa lalaki dahil kapwa ko babae ang nagpapatibok sa aking puso.

Hindi ko lang mailantad ang aking sarili dahil konserbatibong pamilya ang kinalakihan ko. Pinag-aralan kong magdamit at kumilos gaya ng isang tunay na babae pero ang damdamin ko ay sa isang lalaki.

Ano ang gagawin ko?

Leslie

Dear Leslie,

Mahirap talagang pilitin ang sarili sa mga bagay na inaayawan mo. Pero ang masasabi ko’y kung matibay ang pananampalataya mo sa Diyos, siya ang magiging prayoridad mo at susundin mo ang kanyang mga tagubilin.

Hindi man matanggap ng iba, labag sa sa­lita ng Diyos ang pagsisiping ng lalaki sa lalaki at babae sa babae sapagkat sinasabing lalaki at babae lamang ang ginawa ng Panginoong Diyos.

Magbasa ka ng Salita ng Diyos at hayaan mong mangusap sa puso mo ang Santong Espiritu para bigyan ka ng gabay.

Marami akong mga kakilalang mga ba­ding at tomboy na nagbago dahil sa Salita ng Diyos.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR LESLIE

DIYOS

DR. LOVE

HATID

INUUDYUKAN

LESLIE

PANGINOONG DIYOS

SALITA

SANTONG ESPIRITU

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with