Sino sa dalawa?
Dear Doc. Love,
Hi and hello. Tawagin mo na lang ako sa alias na Sweet. I am 19 years old, may suitor po ako. Dalawa sila.
Ang isa ay guwapo pero may kayabangan at ang pangalawa ay average ang looks pero mild mannered at isang scholar sa aming university.
Physically attracted ako dun sa guwapo pero, naiisip ko na bukod sa parang happy go lucky ay may kayabangan pa.
Sa pangalawa naman ay attracted ako sa kanyang talino at pagiging gentleman.
Nahihirapan akong mamili sa kanila. Puwede bang tulungan ninyo ako?
Sweet
Dear Sweet,
Ang physical attraction ay hindi nagtatagal lalo pa’t ngayon pa lang ay may nakikita ka nang kapintasan. Gaya ng nasabi mo, happy go lucky at mayabang.
Isa pa, ang physical attraction ay hindi nangangahulugan ng pag-ibig. Magkaiba ang dalawang iyan.
Ang pinakaimportanteng quality na dapat hanapin sa isang mamahalin ay ang pagiging responsible at marunong magtaguyod sa buhay.
Mga pointers lamang ang sinasabi ko at ang huling desisyon ay ikaw lang ang makagagawa.
Pero dapat pakaisipin mo rin ang kinabukasan sa pagpili ng lifetime partner.
Dr. Love
- Latest






















