^

Dr. Love

Pagtanaw ng utang na loob

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Greetings po sa paborito kong tagapayo.

Muli po akong sumulat sa inyo para humingi ng mahalaga ninyong payo sa problemang nagiging sanhi ng sigalot namin ngayon sa pamilya ko.

Tungkol po ito sa tita ko na siyang sumagot sa matrikula at book expenses ko noong nasa kolehiyo pa lang ako at kumukuha ng nursing. May kaya po noon sila sa buhay at wala naman siyang swerte sa kanyang mga anak na pawang tamad mag-aral.

Dr. Love inilista ko po ang lahat ng gastos ng tita ko sa akin at nang makatapos at magkatrabaho ako sa abroad, sinikap ko po na maibalik ang lahat. Inobliga ko po ang sarili na magpadala sa kanya. Kung susumahin ay doble na po ang naitulong niya sa akin ang naipadala ko sa kanya.

Ang problema po ngayon, na may sarili na akong pamilya at nagpasya kami ng aking asawa na umuwi sa Pilipinas para dito mapalaki at mapag-aral ang aming mga anak. Nagtayo ng maliit na negosyo ang mister ko at ako naman ay nag-specialized nurse, ay patuloy pa rin po sa paglapit ang aking tita.

Hindi lamang pangangailangan niya ang inilalapit niya kundi maging ang para sa panganganak ng kanyang manugang, pampa-opera ng kanyang anak at pang-tuition fee ng kanyang apo. Tuluyan na po ka­sing nalugi ang kanilang negosyo nang mamatay ang kanyang asawa. Wala naman din makapangangasiwa sa kanyang mga anak.

Minsan hindi ko po siya napagbigyan at ipinagkalat niya sa buong pamilya na wala akong utang na loob. Paano ko po kaya mababago ang paniniwala ng tita ko na habang buhay kong pagbabayaran ang aking utang na loob sa kanya ngayong may sarili na akong pamilya? Hindi rin naman lagi akong mayroong salapi na puwedeng itulong sa kanya at sa kanyang mga anak.

Payuhan mo po ako bago kami magkaroon ng sigalot ng aking asawa na hindi rin minamabuti ang ganitong ginagawa ng tita ko. Maraming salamat po at may the good Lord guide you always.

Gumagalang,

Cynthia 

Dear Cynthia,

Maganda ang pagtanaw ng utang na loob sa mga taong naging daan para matupad natin ang dati’y pinapangarap lamang. Pero hindi naman ito nangangahulugan na maging life time pensioner ka ng taong tumulong sa iyo.

Makakatulong para sa inyong pagkakaunawan na mag-tita, ang makapag-usap kayo ng sarilihan. Ipaliwanag mo sa kanya na hindi na dolyar ang kinikita mo at may sarili ka na ring obligasyon sa iyong pamilya. Kung hindi niya maunawaan ang tungkol dito, wala na tayong magagawa dun.

Anuman ang kanyang ipagkalat, ang mahalaga ay malinis ang iyong konsensiya. Hindi rin maganda na magiging dahilan ang sino mang kamag-anak para hindi magkaunawaan ang mag-asawa. Kaya huwag mong hayaan makaapekto ito sa inyo. Isa pa con­jugal resources na ang lahat ng earnings ninyo mag-asawa, kaya nasa inyong mga kamay lamang na mag-asawa kung saan ito dapat ilaan.

Dr. Love

vuukle comment

ANAK

ANUMAN

ASAWA

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

GUMAGALANG

INOBLIGA

IPALIWANAG

KANYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with