^

Dr. Love

Naduwag sa kasal

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Isang sariwang pagbati. Sana po, ganap ninyong maunawaan ang idudulog kong problema at mabigyan ninyo ako ng kaukulang payo.

Mayroon po akong boyfriend na isang dayuhan, nag-aaral siya dito sa ating bansa ng medisina. Ikakasal na sana kami sa darating na Disyembre pero nagpasya akong kanselahin ito dahil napapansin kong naduduwag siya sa kasal, sa hindi ko malamang dahilan gayung siya ang kusang nakikipag-usap sa aking mga magulang para sa aming pag-iisang dibdib. 

Naisip ko na baka talaga hindi kami magkatugma ni John at napilitan lang siyang makipagkasundo ng kasalan dahil sa nakukulitan na siya sa akin sa katatanong kung kailan niya gagawing legal ang aming pagsasama sa iisang bubong.

   Sa ngayon, si John ay nakabakasyon sa kanilang bansa para raw alamin niya ang kanyang sarili. Bagaman pinalaya ko siya sa aming marriage engagement, wala naman kaming por­­mal na napag-usapan sa pagkakalas ng aming relasyon.

Dalawang ulit na siyang tumawag sa akin pero parang wala na ang dating init at pana­nabik sa muli naming pagkikita. Hindi rin niya tiniyak kung kailan siya babalik sa Pilipinas mula sa bakasyon. Nais ko po hingin ang mahalaga ninyong payo sa problemang ito.

Dapat ko na ba siyang limutin at ipagtapat na sa aking mga magulang ang aking naging desisyon na kanselahin ang kasalan?

Maraming salamat po at may the good Lord always bless you.

Gumagalang,

Angelina

Dear Angelina,

Sa palagay ko, dapat ka na ngang mag-move on kaysa paasahin ang sarili sa wala namang katiyakang bagay. Makabubuti rin na ipagtapat mo habang maaga pa ang lahat sa iyong mga magulang.

Natural lamang ang disappointment sa um­pisa tungkol dito pero pinakamabuti na, na na­ging malinaw sa iyo ang istado ng damdamin ng iyong boyfriend habang hindi pa kayo kasal. Dahil mas magiging mahirap kung malalaman mo na hindi sapat ang pagtitinginan ninyo para maging life time partner.

Masyadong maraming magagandang bagay sa ating buhay, kaya huwag mong ipako ang sarili sa kabiguang ito. Stay happy, God bless you!

Dr. Love

vuukle comment

BAGAMAN

DAHIL

DALAWANG

DAPAT

DEAR ANGELINA

DISYEMBRE

DR. LOVE

GUMAGALANG

IKAKASAL

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with