^

Dr. Love

Pag-ibig na budul-budol

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Cynthia, isang kasambahay. Sa aking pamamasyal sa mall ay may nakabangga akong lalaki. Nag-sorry siya at tinanggap ko naman.

Nagkakilala kami at nagkapalagayang loob. Matapos ang dalawang araw ay niyaya niya akong manood ng sine at sumama naman ako. Nagpaalam lang ako sa amo ko na makikipagkita ako sa aking pinsan.

Nag-text siya sa akin na magkita kami sa araw ng Sabado, na araw ng day off ko at pumayag naman ako. Nagkaroon kami ng mutual understanding at nang yayain akong pumasok sa motel ay hindi ako nakatanggi.

Bago kami naghiwalay ay hiniram niya ang cell phone ko at inutangan ako ng P1 thousand. Pero ‘yun na ang huli naming pagkikita dahil hindi na siya nagpakita sa akin. Isang buwan na ngayon ang nakalilipas. Galit na galit ako dahil niloko lang ako. Gusto ko siyang ipapulis pero hindi ko alam ang kinaroroonan niya.

Ano ang gagawin ko?

Cynthia

Dear Cynthia,

Ano ang gagawin mo? Magpasensya ka dahil bunga iyan ng katangahan mo. Pambihira ang kaso mo. Pati pala sa pag-ibig may budul-budol.

Magsilbi nawang aral iyan sa iyo para huwag mo nang ulitin, gayundin sa ibang makababasa nito.

Kapag naulit pa sa iyo ang ganyang pangyayari at hindi ka natuto ng leksyon, hindi ka lang tanga kundi boba.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR CYNTHIA

DR. LOVE

GALIT

ISANG

KAPAG

MAGPASENSYA

MAGSILBI

MATAPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with