^

Dr. Love

Kapusukan

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Magandang araw sa iyo Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Isabel, 18 anyos at nag-aaral pa. Istrikto ang tatay at nanay ko, at halos guwardiyahan nila ako. Pero sa kabila nito, nagkaroon ako ng boyfriend at minsa’y nag-cutting class ako para sumama sa kanya sa isang lugar na ‘di ko dapat puntahan. Naulit ‘yon ng tatlong beses at ngayo’y namumbroblema ako dahil buntis ako.

Sabi ng boyfriend ko ay ipalaglag namin da­hil tiyak na pareho kaming kagagalitan ng aming mga magulang. Dapat ba akong pumayag na ipalaglag ang aking baby? Natatakot din kasi ako sa galit ng aking mga magulang at baka patayin ako.

Isabel

Dear Isabel,

Kapag pinalaglag mo iyan, susumbatan ka ng konsensiya mo habambuhay. Sarili mong anak pinatay mo.

Ang nangyari sa inyong dalawa ng boyfriend mo ay bunga ng kapusukan na hindi sana nangyari kung nag-isip-isip kayo pareho.

Ang magagawa mo ngayo’y isa lang. Ipagtapat mo sa iyong magulang ang nangyari. Tiyak na magagalit sa iyo pero hindi ka papatayin ng mga iyan.

Lahat ng mga pagkakamali ay may kaukulang consequence na dapat harapin. Ginawa mo iyan, puwes harapin mo ang bunga nito gaano man kasakit.

Dr. Love

AKO

DAPAT

DEAR ISABEL

DR. LOVE

GINAWA

IPAGTAPAT

ISTRIKTO

KAPAG

LAHAT

MAGANDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with