^

Dr. Love

Nakikipag- balikan

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Greetings to my favorite love counselor. Medyo­ naghe-hessitate pa akong sumulat sa iyo pero kailangan ko na talaga ng precious advice mo.

Call me Ms. Sweet. Hiwalay ako sa asawa dahil iresponsable siya. Hindi nagtatrabaho at laging barkada ang inaatupag. Under process ang aming annulment.

Nagpapasalamat nga ako at wala kaming­ anak. Ang unang baby na ipinagbuntis ko ay patay­ nang isilang.

Three years kaming nagsama ng asawa ko at sa pangalawang taon ay dun na lumabas ang natural niya. Ayaw magtrabaho at lulong sa barkada. Puro gimmick ang ginagawa.

Ganoon din naman ako nung dalaga. Pero alam ko ang responsibilidad ng may asawa kaya nagbago ako nang kami’y ikinasal. Siya ay hindi.

Ngayo’y gusto niyang magkabalikan kami. Ayaw niyang lumagda sa annulment papers at pinayuhan kami ng judge na may hawak ng kaso na mag-usap ng mabuti.

Nangako siyang magbabago na. Will I give him another chance?

Sweet

 

Dear Sweet,

Sabi nga “to err is human, to forgive is divine.­” Bigyan mo siya ng isang pagkakataon at mag-usap kayong mabuti.

Lahat ng tao ay nagkakasala at lahat naman ay nagbabago matapos magsisi.

Kung ang Diyos ay nakapagpapatawad tayo pa kayang tao lang, sabi nga ng matandang kasa­ bihan.

Dr. Love

AYAW

BIGYAN

DEAR SWEET

DIYOS

DR. LOVE

GANOON

HIWALAY

LAHAT

MS. SWEET

WILL I

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with