^

Dr. Love

Bawal na pag-ibig

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang po ako sa pa­ngalang Trina, 24 years old, may asawa na 22 years old, may anak na 1 year old.

Please advice me kung anong dapat at tamang gawin. Nagtatrabaho po ako sa abroad. May nakilala po akong guy, naging close kami at naging kami.

‘Yung asawa ko ay hindi kami matanggap ng anak ko. Buhay binata po siya. Wala po kami sa poder niya.

‘Yung guy po na nakilala ko ay ka-age niya lang po, mabait at responsable at tanggap kami ng anak ko. Mahal niya ako, mahal ko rin siya.

Kasal po kami ng asawa ko pero parehong walang feelings. Dahil pagbubuntis ko lang po ang dahilan ng lahat.

Kasalanan po ba na ma-in- love ako sa iba? Ano po ang gagawin ko? ‘Yung nakilala ko po na guy ay binata po siya. Hihintayin niya raw ako hanggang dumating ang time na pwede na kami sa isa’t isa.

Thanks po.

Trina

Dear Trina,

Isa-isahin ko ang sinabi mo. May asawa ka at anak. Nagtatrabaho ka sa abroad at nakatagpo ng ibang lalaki at nagkarelasyon kayo.

Sabi mo iresponsable ang asa­wa mo at hindi kayo matanggap na mag-ina at ang bagong lalaki sa buhay mo ay tanggap kayo.

Tanong ko, bakit nabuntis ka kung hindi kayo nagmamahalang mag-asawa? Siguro nagkamali ka nung una. Pero ang ginagawa mo ngayon ay isa pang bagong pagkakamali na lalo lamang magpapalubha sa situwasyon mo.

Ano mang pangangatuwiran ang sabihin mo, kasal ka sa asawa mo. Sinasabi ng lalaki mo ngayon na hihintayin ka niya hanggang sa puwedeng kayo na.

Nabubulagan ka lang. Sana malinawan ang takbo ng isip mo.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

ASAWA

BUHAY

DAHIL

DEAR TRINA

DR. LOVE

HIHINTAYIN

KAMI

NAGTATRABAHO

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with