^

Dr. Love

Sad

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Naniniwala po ba kayo sa salitang “tadhana”?

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang “SAD”, babae, nasa ikalawang taon ng kolehiyo, 18 taong gulang.

Sa edad ko pong ito, meron na po akong boyfriend. Mahigit 2 taon na po ang aming relasyon at masasabi kong sobrang mahal ko siya.

Siya ‘yong lalaking gusto kong makasama sa aking pagtanda. Strict po ang parents ko pagdating sa relationship kaya no’ng sumama sa pagtatanan ang ate ko sa isang lalaki na may dalawang anak, halos itakwil na nila ito. Ganun din ako, halos itakwil ko na ang ate ko sa sobrang sama ng loob ko.

Ngayon ko lang po na-realize na mali ang ginawa ko kasi ngayon, nararanasan ko kung ano yo’ng pinagdaanan niya.

Noong Nov. 27, 2010, inamin sa’kin ng boyfriend ko na may anak siya sa ibang babae, sobrang sakit po no’n para sa’kin pero tinanggap ko kasi mahal ko siya saka naiintindihan ko naman ang pangangailangan niya bilang lalaki.

Tapos ngayon, sinabi n’ya sakin na may anak ulit siya sa ibang babae, 4 months na po yo’ng bata ngayon.

Sa tingin n’yo po, ano ang dapat kong gawin? Kailangan ko na po ba siyang i-give-up o sumunod na lang sa agos ng buhay na tinatawag na tadhana? Mahal ko po siya pero mahal ko rin ang magulang ko. Payuhan n’yo po ako.

May pag-asa pa po kayang magkatuluyan kami? Ang birthday ko po ay Nov. 27 at ang aking zodiac sign ay Sagittarius. Siya naman po ay Aquarius, 24 yrs. old. Ang birthday niya ay Jan. 22.

Maraming salamat po. Inaasahan ko po ang inyong kasagutan.

SAD

Dear SAD,

Sa pagpasok sa relasyon, may mga practical reason na dapat ikonsidera. Siguro’y kaya mong palampasin ang katotohanan na may anak sa iba ang boyfriend mo. Pero kapag kayo’y ikinasal na, maski papaano’y puwedeng magkaroon ng problema.

Papaano kung pagdating ng panahon ay humingi ng sustento ang ina ng mga bata sa asawa mo? Puwedeng hindi, pero papaano nga kung ganyang ang mangyari?

Ngunit nasa sa iyo ang huling desisyon. Sabi nga ang buhay ay desisyon. Kapag nagdesisyon ka, dapat harapin mo ang ano mang ibubunga nito, masama man o mabuti.

Dr. Love

DR. LOVE

GANUN

INAASAHAN

ITAGO

JAN

KAILANGAN

KAPAG

NOONG NOV

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with