^

Dr. Love

Kape at gatas

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Nakakaramdam ako ng pagtatangi sa aking manliligaw pero hindi ko po siya ma­sagot-sagot dahil nangangamba ako na kung kami ang magkatuluyan ang mga anak namin ay iba ang kulay at kulot ang buhok.

Kaya kahit na nakita ko sa kanya ang katalinuhan, kabaitan at maging ang pagkakatugma namin sa maraming paniniwala, hindi ko po mabigyan ng katugunan ang kanyang pagtatapat ng damdamin para sa akin.

Nananatili po kaming magkaibigan magpasa-hanggang ngayon. Dama ko po na alam ni John na malabo ko siyang sagutin. Kaya iniiwasan na niyang ungkatin sa akin ang tungkol sa damdamin niya.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may lungkot sa aking kalooban dahil sa nalalapit nang pag-uwi niya sa Aprika. Matatapos na po kasi ang pag-aaral niya ng engineering sa isang unibersidad sa ating bansa.

Ano po kaya ang magkataliwas na damdaming ito? Ito po ba’y pag-ibig kaya?

Maraming salamat po at nawa’y palagi ka­yong patnubayan ng Dakilang Maykapal sa ginagawa ninyong pagtulong sa kapwa.

Gumagalang,

Rowena

Dear Rowena,

Marahil paghanga lamang ang nakalilito sa iyo para kay John. Dahil kung pag-ibig ‘yan hindi ka magkakaroon ng pag-aalinla­ngan sa kahit ano mang bagay. Dahil ma­ngingibabaw sa iyo ang kaligayahang nadarama ninyo sa piling ng bawat isa.

Hindi rin naman magiging tama na ang nadarama mong kalungkutan ang maging tanging basehan mo para mabago ang estado ng iyong manliligaw sa puso. Pag-aralan mong mabuti ang iyong damdamin para sa kanya para wala kang pagsisihan sa huli.

Dr. Love

ANO

APRIKA

DAHIL

DAKILANG MAYKAPAL

DEAR ROWENA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

MARAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with