Hiwalay ang puso
Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Marge. Meron po kaming 3 anak ng boyfriend ko. Pero nag-decide na po kaming maghiwalay.
Nagkaroon kasi siya siya ng bagong girlfriend ngayon, noon po kinausap ko siya at pinaglaban kaso mas pinili niya po ‘yung girl.
Dumating pa po ‘yung point na pinapili ko siya kung kami ng mga anak n’ya o ‘yung girlfriend niya. Hindi po siya sumagot pero until now po sila pa rin ng girl.
Kaya alam ko po na mas pinili niya ‘yung girl kesa sa amin. Pero ngayon po ay magkasama pa rin po kami sa iisang bahay para po sa mga bata.
Dr. Love tama po bang ipaglaban ko pa siya para sa mga anak namin kahit alam kong ayaw na niya o tama na palayain ko na siya at tuluyang ibigay dun sa girl. Kahit sobrang sakit. Ano po ang dapat kong gawin?
Marge
Dear Marge,
‘Di kita ma-gets. Sabi mo nagkahiwalay kayo pero sa bandang huli sabi mo nagsasama pa rin kayo sa iisang bahay alang-alang sa mga anak mo.
Okay, ipakakahulugan ko na lang na ang puso ninyo ang naghiwalay. Meaning wala nang love sa isa’t isa kundi para sa mga anak n’yo na lang.
Tanong ko lang, ‘di ka ba naaasiwa? Hindi naman kayo kasal dahil boyfriend ang tawag mo sa kanya. Kung mananatili kayo sa iisang bubungan, paano ka magmo-move on?
Ikaw ang may desisyon niyan kaya igagalang ko. Pero kung ako ikaw, mas makabubuti kung maghiwalay na lang kayo talaga para makapag-move-on ka.
Dr. Love
- Latest
- Trending