^

Dr. Love

Limang taong naghintay

-

Dear Dr. Love,

Please tawagin mo na lang akong Lauro, 27 anyos at may kasintahan. Noong bago pa lang ako sinagot ng girlfriend ‘kong si Julie, niyaya ko na siyang pakasal. Pareho lang kami ng edad at matatag ang aming trabaho pareho.

Limang taon na ang nakararaan nang una ko siyang yayain. Sabi niya, may pinag-aaral pa siyang mga kapatid at maghintay pa raw kami ng kaunti. Lumipas ang dalawa, tatlong taon. Ayaw pa rin niya at may responsibilidad daw siya sa pamilya.

Ulilang lubos na siya at ang dalawang kapatid ay ga-graduate na sa susunod na taon. Sabi ko sa kanya kaya naman naming pagtulungan ang pagpapaaral sa mga kapatid niya pero ayaw niya. Gusto ko nang makipag-break. Tama ba ang gagawin ko?

Lauro

Dear Lauro,

Nakapaghintay ka ng limang taon at matatapos na ang kanyang dalawang kapatid sa susunod na taon, hindi mo pa ba kayang pagtiyagaan ‘yon?

Huwag mong pakawalan ang babaeng iyan dahil responsible at mapagkakatiwalaan. Sa pagmamalasakit at pag-ibig na ipinakita niya sa pamilya niya, lalo niyang pagmamalasakitan at mamahalin ang mabubuo ninyong pamilya.

Ano ba naman ‘yung maghintay ka hanggang next year?

Dr. Love

ANO

AYAW

DEAR LAURO

DR. LOVE

HUWAG

JULIE

LAURO

LIMANG

LUMIPAS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with