Born loser

Dear Dr. Love,

Kumusta? Hindi ko pakakahabaan ang sulat ko. Tawagin mo na lang akong Jeric, 23 anyos at binata.

Sa edad ‘kong ito minsan pa lang ako nagka-siyota at isang linggo lang ang inabot dahil nakipag-break siya.

Marami na akong niligawan at lagi akong basted. Natatakot na tuloy akong manligaw kahit inggit ako sa mga katropa ko na ‘yung iba’y nakapag-asawa na. Pero ako, para akong born loser.

Hindi naman ako pangit pero ano ang ina­ayawan ng mga babae sa akin?

Jeric

Dear Jeric,

Hindi tayo personal na magkakilala kaya mahirap manghula kung ano ang problema mo.

Malinis ka ba sa katawan? Wala ka bang bad breath? Hindi kaya magaspang o mayabang ang pag-uugali mo?

Sabagay, mahirap husgahan ang sarili dahil ibang tao ang nakakapansin sa atin at hindi tayo mismo. Magtanong ka sa mga close friends mo at marahil makatutulong sila.

Dr. Love

Show comments